Government
1 Comment Masabi lang na may project…
As much as possible, I’d rather not blog about politics. Pero iba ‘to. DIZZZIIZZITTT levels na itong entry ko. Sobra na kasi. Nakakairita na. Sabi nga ng blog title, masabi lang na may project…

Photo above was taken last January 25, 2012. Akala mo nag earthquake sa kahabaan ng Barangay Calzada-Tipas. May kung anong project ang barangay/munisipyo na bagong drainage system. Ngayon, hindi ko malaman bakit kailangan ganyanin na nila yung kalye kaagad. Naiintindihan ko na baka yun ang nakalagay sa contract. KASO.. Hindi ba puwedeng pa-isa isa muna para naman hindi nakakaabala? A week after the said paghuhukay…

Ganito na ang itsura niya. This was taken before I left for work this morning.

Hindi na umusad ang construction. Hanggang diyan na lang. Balita ko may issue daw sa ginamit na bakal…

And what else would you expect from this project? Traffic siyempre!

Dinaig pa nito ang traffic sa Brgy. Tuktukan, specifically sa City Hall and newly opened Puregold.
Sinubukan mag tanong ng magulang ko sa barangay captain if ano/sino ang may pakana nitong proyekto na ‘to. Unang sagot niya, di niya alam.. kesyo sa munisipyo daw.
Uhmm FYI lang ha, kamag-anak namin yung kapitan (di kami close. walang personalan ‘to, trabaho lang).. pero para sabihin niyang wala siyang alam/di siya connected sa project na ‘to.. @#!@#!@$!@#%*)&*(%~@!@$!#%@$^$%*^&$%^@#$%&&)^*%#^@#$!@#!@$#. ![]()
Tinanong ko nanay ko kung kailan matatapos ang project, sa katapusan pa daw. ANO BA YAN. Ano ba namang klase yan. PAKI EXPLAIN NAMAN PLEASE, para di ako nag c-complain.
Semi affected kasi kami sa walang hiyang butas na yan. Hindi na makapag-park sa bahay dahil nga walang dadaanan. Mabuti na nga lang at may ibang lugar kami na puwede mapaglagyan ng sasakyan. Paano na lang yung iba na wala? San nila ilalagay sasakyan nila? Hindi nakakatuwa, promise!
Marami pang tanong tungkol sa project na ‘to:
1. Bakit putol ang pag-gawa ng drainage? Selected areas lang ng barangay.
2. Saan lalabas yung tubig na dadaloy sa drainage?
3. Bakit manipis na bakal ang gagamitin sa drainage? Balita ko dapat mas makapal diyan.
At marami pang iba. So kung sino ka man na nagpauso nitong project na ‘to……… ![]()










Here’s Patrice with Kym.





